Posibleng maihabol sa anibersaryo ng Mamasapano incident ang paghahain ng kaso sa mga sangkot dito.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Alexander Suarez, hindi pa nila alam kung kailan ihahain ang mga kaso, basta ang mahalaga ay tapos na ang preliminary investigation, makaraang magpahayag ang National Bureau of Investigation (NBI) na hindi na ito sasagot sa counter-affidavit ng mga respondent.

Unang isinampa ng NBI ang reklamong complex crime of direct assault with murder laban sa 90 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay ng madugong engkuwentro sa Mamasapano noong nakaraang taon. Sa bilang na ito, apat lamang ang naghain ng counter-affidavit. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji