Magpapatupad ang Ronda Pilipinas ng ilang mga pagbabago sa pagsikad nito sa lansangan sa Mindanao leg na uumpisahan sa Butuan City sa Pebrero 20.

Inihalintulad sa kalakaran sa international races, nagdesisyon ang Ronda organizers na gawin din nito ang mga kombinasyon sa road race, individual time trial at criterium race sa halip na tradisyunal na maramihang road race na tulad sa ginawa nila sa nakaraang limang edisyon.

Ang Ronda, na nasa ikaanim na nitong edisyon sa pagsusulong ng LBC at pagsuporta ng malalaking sponsors gaya ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron at Versa Radio-Tech 1 Corp. at mga minor sponsors na Maynilad at NLEX, ay nakatuon hindi lamang sa pagsuyod sa kanayunan ng mga potensiyal na mga batang siklista kundi pati na rin ang pagkakataon sa mga cycling fans na maranasan ang ginagawa ng mga siklistang kalahok sa karera sa pamamagitan ng mga “community ride”.

“We need to adapt to the way races are done in the world stage as this project is to groom champions for flag and country,” ayon kay Ronda sports development head Moe Chulani.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“And also, we want all the cities, towns and provinces we visit will have a chance to see our riders and our race the whole day and getting them involved because we will be a community ride for the first time ever,” dagdag nito.

Kakaiba sa unang pagsasagawa sa Ronda, kung saan nakataya ang milyong papremyo sa isasagawa na mga stage at leg, ay magkakaroon ngayon ng tatlong magkakahiwalay na overall winner mula sa mga rehiyon ng Mindanao, Visayas at Luzon.

Tampok ngayong taon sa Ronda, na kinuha ang serbiyo ng 3Q Sports sa pamumuno ni Quin at Jojo Baterna kasama si Rommel Bobiles o ang grupo na namahala sa Giro de Pilipinas sa Subic noong Oktubre na ilahok hindi lamang ang mga naghahangad na mga baguhang riders kundi pati na mga ordinaryong siklista na masubok ang karera.

“LBC Sports Devt Corp. feels everyone should have the chance to join Ronda Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance covered, not just the elite riders,” sabi ni Chulani.

“That’s why Ronda Pilipinas 2016 will be a bigger and better event where we will have everyone including the executives and amateurs joining us,” ayon pa kay Chulani. (ANGIE OREDO)