Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta at iwasang dumaan sa mga lugar na roon magsasagawa ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular sa EDSA at sa C-5 Road, ngayong weekend.
Ayon sa MMDA, 11:00 kagabi nang sinimulan ng DPWH ang pagkukumpuni sa southbound lane ng EDSA, sa pagitan ng Aurora Boulevard at P. Tuazon Streets, Service Road, unang lane mula sa sidewalk; northbound C-5 Road sa harap ng SM Warehouse gate 2, ikalawang lane, outermost; at bahagi ng EDSA, sa harap ng DPWH-QCSED, unang lane mula sa sidewalk.
Ayon sa ahensiya, inaasahang matatapos ang pagkukumpuni sa mga naturang kalsada sa Lunes, Enero 18, sa ganap na 5:00 ng umaga.
Unang inirekomenda ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro sa MMDA ang pagsasaayos sa nasabing bahagi ng EDSA.
Asahan na ng publiko, partikular ng motorist, ang mas matinding traffic sa mga apektadong lugar dahil sa road reblocking. (Bella Gamotea)