Tuluyan nang kinansela ng Supreme Court (SC) ang kandidatura nina Rizalito David at Atty. Ely Pamatong matapos na ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang mga ito nang ideklara bilang mga “nuisance candidate” sa eleksiyon sa Mayo 9.

Batay sa desisyon ng SC en banc, walang pag-abuso sa kapangyarihan ang poll body sa naging pagbasura sa certificate of candidacy (CoC) nina David at Pamatong.

Nabigo raw ang dalawa na patunayan ang kakayahan nilang makapaglunsad ng isang nationwide campaign.

Si David ay nakilala bilang isa sa mga petitioner ng disqualification case ni Sen. Grace Poe.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Habang si Pamatong ay naging laman ng mga balita nang magsunog siya ng bandila ng China at magkalat ng mga spike sa lansangan bilang paraan ng kanyang protesta laban sa gobyerno.

Bukod sa dalawa, ibinasura na rin ng Supreme Court ang mosyon ng iba pang kandidato, kabilang na sina dating Gov. Ephraim Defino, Buenafe Briggs, Antonio Obina at Luisito Montalvo Falcon. (Beth Camia)