MONTREAL, CANADA (AFP) – Pumanaw na si Rene Angelil, nakadiskubre sa asawa niyang Canadian pop diva na si Celine Dion, matapos makipaglaban sa cancer. Siya ay 73.  

Inihayag ni Celine ang pagkamatay ng asawa sa pamamagitan ng kanyang mensahe sa Twitter, at sinabing: “Rene Angelil passed away this morning at his home in Las Vegas after a long and courageous battle against cancer.”

Ayon sa tagapagsalita ng singer na si Marc Oliver ay magbibigay sila ng karagdagang detalye sa mga susunod na araw, ngunit sa ngayon ay humihiling ang pamilya ng namatayan na bigyan sila ng privacy.

Ipinanganak sa Montreal sa mag-asawang Lebanese-Syrian immigrants, nagsimula si Angelil sa industriya ng musika sa yeye, French music noong 60s, bago sinubukan ang comedy, at tuluyang nagkaroon ng career sa music management.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Bilang talent agent, pinalagda niya sa kontrata niya ang isa sa biggest names sa industriya ng musika sa Quebec na si Ginette Reno, ngunit bigla itong nahinto nang hindi inaasahan, dahilan upang maghirap at maging desperado si Angelil.

Pero agad ding sumulpot ang bagong oportunidad.

Sa edad na 12, nag-record si Celine Dion ng isang demo tape kasama ang kanyang ina at ipinadala nila ito kay Angelil. Nagulat at namangha si Angelil sa boses ni Dion kaya pinalagda niya ito sa isang exclusive management contract at isinanla niya ang kanyang bahay upang matustusan ang unang album ni Celine.

“I’d never heard anything like it. For me, it was the most beautiful voice in the world,” madalas na pahayag ni Angelil sa mga panayam sa kanya.