Naghain ang Office of the Ombudsman ng kasong malversation laban kay Mayor Del Corvera, ng Cabadbaran, Agusan del Norte, dahil sa umano’y paggamit nito sa pondo ng pamahalaang bayan para sa kanyang mga personal na biyahe.

Sa resolusyon na inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, napag-alaman ng anti-graft court na ginamit ni Corvera ang pondo ng Cabadbaran upang bayaran ang travel expense na umabot sa P362,000, mula Mayo 2011 hanggang Hunyo 2014.

Binayaran umano ni Corvera ang kanyang hotel bill nang bisitahin niya, kasama ang kanyang maybahay, ang kanilang anak sa Cebu gamit ang pondo ng Cabadbaran.

Idinepensa naman ni Corvera ang kanyang biyahe, sa pagsasabing may kinalaman ang nasabing biyahe sa mga aktibidad ng Boy Scouts of the Philippines (BSP).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Subalit iginiit ni Morales: “The public character of BSP cannot serve as valid justification for charging against public funds expenses incurred for attending its activities.”

“All documents are clear enough to show that expenses have been spent, and the nature of such expenses,” anang Ombudsman.

Bilang punong ehekutibo ng Cabadbaran, iginiit ni Morales na dapat ay naging maingat si Corvera sa paggamit sa pondo ng pamahalaang bayan dahil ito ay kanyang responsibilidad. (Jun Ramirez)