Isinusulong ni Buhay Party-list Rep. Jose L. Atienza Jr., dating Manila Mayor, ang panukalang nagmamando sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na maglaan ng 30% ng taunang kita nito para sa proyektong pabahay ng pamahalaan.

Ayon kay Atienza, layunin ng House Bill 6000 na susugan ang Section 12 ng Special Condition of Franchise of Presidential Decree 1869. Nakasaad sa kasalukuyang batas na matapos kaltasin ang 5% franchise tax, ang 50% bahagi ng gobyerno sa taunang kita ng PAGCOR ay dapat gamitin sa infrastructure at socio-economic projects sa Metro Manila, gaya ng flood control, sewerage, nutritional control, population control, Tulungan ng Bayan center, beautification, at Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK) project. (Bert de Guzman)
Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'