Inalog ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian ang pamahalaang Aquino dahil sa umano’y kabiguan nitong maiparamdam sa mga maralitang Pinoy ang ibinabanderang “economic growth” sa ilalim ng liderato nito.

Sinabi ni Gatchalian na ang resulta ng huling survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing aabot sa 11.2 milyong pamilya ang itinuturing ang kanilang sarili na maralita ay patunay na bigo ang gobyernong Aquino na iparating ang tunay na serbisyo sa mamamayan.

Iginiit din ng mambabatas mula sa Valenzuela City na ang ipinagmamalaki ng gobyerno na paglago ng ekonomiya ng bansa ay hindi maituturing na “inclusive” dahil marami pa rin ang naghihirap.

“Inclusive growth means the poor benefits from the gains that the economy has been posting. But since there is no trickle-down effect from the windfall. Some 11.2 million families or 56 million Filipinos remain poor. And the government could only blame itself for this,” ayon kay Gatchalian.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Aniya, napapanahon na upang magkaroon ng bagong gobyerno na hindi manhid sa pangangailangan ng bawat Pinoy.

Sakaling palaring mahalal na senador sa Mayo 9, sinabi ni Gatchalian na isusulong niya ang de-kalidad na edukasyon para sa lahat ng Pinoy.