GENEVA (AP) — Idineklara ng World Health Organization na tapos na ang pinakamabagsik na Ebola outbreak sa kasaysayan noong Huwebes makaraang wala nang bagong kasong maitala sa Liberia, ngunit nagbabala na aabutin ng ilang buwan bago maituturing na malaya na ang mundo sa sakit na pumatay sa 11,300 katao sa loob ng dalawang taon.

Nakamit ang tagumpay noong Huwebes matapos ang nakapanlulumong bilang: Halos 23,000 bata ang nawalan ng isang magulang o tagapag-alaga dahil sa sakit. May 17,000 survivor ang nilalabanan pa rin ang misteryoso at matagal na side effects. Patuloy ang pagtuklas ng mga bagong impormasyon kung gaano katagal mananatili ang Ebola sa bodily fluids.

“While this is an important milestone and a very important step forward, we have to say that the job is still not done,” sabi ni Rick Brennan, director ng WHO emergency risk assessment and humanitarian response, sa isang news conference sa Geneva. “That’s because there is still ongoing risk of re-emergence of the disease.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'