Naabo ang 150 bahay sa sunog sa Sitio San Isidro Labrador, Barangay Quiot, Cebu City, Cebu kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon ni SFO2 Lowell Opolentisima, ng Cebu City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahay ni Valeria Ogahayon, dakong 6:00 ng gabi nitong Miyerkules, at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na gawa sa light materials.

Nahirapan sa pagresponde ang mga bombero dahil masikip ang lugar.

Tumulong sa pag-apula sa apoy ang mga bombero mula sa Mandaue City at Lapu-Lapu City. Idineklarang under control ang sunog dakong 7:34 ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tinatayang P1 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng insidente.

Sa ngayon ay pansamantalang naninirahan sa basketball court ng Sitio Greenbelt ang mga apektadong pamilya.

(FER TABOY)