MAY mga nababahala sa hindi umano pagkakaunawaan nina Commission on Elections (Comelec) chairman Andy Bautista at Comelec commissioner Rowena Guanzon. Ikinagalit ni Guanzon ang pag-iisyu ni Bautista sa kanya at sa director ng Comelec law department dahil sa pagsusumite nila ng Comment ng Comelec sa Supreme Court (SC) kaugnay sa petisyon ni Sen. Grace Poe sa disqualification case. Sa nasabing memorandum, binibigyan sila ng 24 na oras para magpaliwanag dahil isinumite nila ang Comment na hindi nila pinadaan sa Comelec en banc. Nais kasi ni Bautista na bigyan muna ng pagkakataon ang mga commissioner na mabasa ang Comment.

Ayon kay Guanzon, kulang na sila sa oras para gawin ito dahil mauubos na ang non-extendible period, 10 araw, na ibinigay ng SC sa Comelec para isumite nito ang kanyang Comment. Bukod dito, hinirang naman daw siya ng Comelec en banc na katawanin ang Comelec sa pagdinig sa SC. Hindi umano dapat s’ya iniisyuhan ng memorandum ni Bautista dahil pareho lang silang commissioner. Sa galit ni Guanzon, inakusahan pa niya si Bautista na kinikilingan si Sen. Poe.

Talagang nakababahala kung hindi maganda ang relasyon ng mga commissioner ng Comelec. Mabigat ang kanilang pananagutan sa bayan. Tungkulin nila na maging maayos at mapayapa ang halalan upang ang kagustuhan ng mamamayan na isinulat nila sa balota ang manaig. Eh, kung hindi sila nagkakaisa paano nila magagampanan at maitataguyod nang maayos ang kanilang obligasyon sa sambayanan?

Pero, hindi ako nangangamba na dahil sa alitan ng mga commissioner ay magkakawatak-watak sila. Ang ikinababahala ko ay baka ito ay magkasalungat na paraan para matagumpay na maisakatuparan ang isang layunin taliwas sa tungkulin ng Comelec. Para ba itong magkasalungat na paraan kung paano pinabagsak ang isang tsonggong nasa itaas ng puno. Ang unang paraan ay binugahan ito ng napakalakas na hangin, pero, bilang depensa, kumapit nang husto ang hayop sa puno.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang ikalawa, ginawang malamya ang ibinugang hangin na magiging dahilan para ito ay makatulog at tuluyang mahulog ang hayop. Ganito rin ang paraan ng pulis para mapaamin ang nadakip nilang salarin. Iyong isa ay marahas, kaya palaban din ang pinaaamin. Iyong iba naman ay mabait at pinakikitunguhan ito, kaya nahulog ang loob nito at umamin.

(RIC VALMONTE)