Kahit hindi masyadong nasiyahan ang mga boxing fans sa welterweight unification bout nina ex-pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. at 8th-division world champion Manny Pacquiao, idineklara pa rin ng World Boxing Council ang sagupaan noong Mayo 2, 2015 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada bilang “Event of the Year.”

Nagwagi sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision sa nasabing laban si Mayweather kahit wala siyang ginawa kundi umiwas sa mga bigwas ni Pacquiao, yumakap at kung anu-ano pang panggugulang para maging WBC, WBA at WBO welterweight champion.

Lalo namang nadismaya ang mga boxing fans nang aminin ni Pacquiao na nagkapinsala ang kanyang kanang balikat sa 4th round na kaagad ding inoperahan makaraan ang laban.

Paborito ni WBC president Mauricio Sulaiman si Mayweather na nakalista pa ring “Emeritus Champion” sa super welterweight at welterweight division kahit inihayag na ang pagreretiro noong nakaraang Setyembre at siya rin ang pinagkalooban ng “Lifetime Achievement Award” matapos mapantayan ang rekord na perpektong 49 panalo ni dating undisputed heavyweight champion Rocky Marciano na isa ring Amerikano.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Mayweather was also to be bestowed with the ‘Lifetime Achievement Award’ for his undefeated record of 49-0 which equaled the mark set by heavyweight champion Rocky Marciano,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com. “The award was announced by WBC who had earlier released the process to choose the best of 2015 in different categories.”

Napili naman ng WBC ang WBC super featherweight fight nina dating kampeong Takashi Miura ng Japan at Francisco Vargas ng Mexico noong Nobyembre 21, 2015 sa Mandalay Bay, Las Vegas, Nevada bilang “WBC Fight of the Year.”

Napabagsak ni Miura at muntik mapatulog sa 4th round si Vargas pero nakarekober ang Mexican at nagwagi sa 9th round TKO laban sa Hapones.