Ginamit ni Pangulong Aquino ang kanyang kapangyarihang mag-veto ng isang panukala na humihiling ng P2,000 dagdag sa pensiyon ng Social Security System (SSS) dahil sa posibleng negatibong epekto nito sa estado ng pension agency.

Bago pa man umabot sa 30-day deadline upang kanyang desisyunan ang panukala, ipinagbigay-alam ng Pangulo kina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang tungkol sa kanyang desisyon na i-veto ang House Bill No. 5842.

“While we recognize the objective of the bill to promote the well-being of the country’s private sector retirees, we cannot support the bill in its present form because of its dire financial consequences,” nakasaad sa veto message ni Aquino na kanyang ipinadala sa Kongreso at may petsang Enero 12.

Nagbabala ang Punong Ehekutibo na may malaking negatibong epekto ang panukala na magtataas sa buwanang pensiyon ng SSS.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, kung itutuloy ang pagbibigay ng P2,000 pension hike sa kada retiree, na ngayo’y aabot sa dalawang milyon, papalo sa P56 bilyon ang gagastusin ng gobyerno kada taon.

“Compared against annual investment income of P30 billion—P40 billion, such total payment for pensioners will yield a deficit of P16 billion—P26 billion annually,” dagdag niya.

Sa ganitong sitwasyon, sinabi ni Aquino na mapupuwersa ang SSS na gamitin ang Investment Reserve Fund (IRF) nito upang masuportahan ang panukalang pension increase.

At kung matutuloy ang pension increase, nagbabala ang Pangulo na posibleng masaid ang IRF pagsapit ng 2029.

“The stability of the entire benefit system, whose present membership comprises about 31 million individuals, will be seriously compromised in favor of two million pensioners and their dependents,” ayon kay Aquino.

“In view of these considerations, I am constrained to veto the above mentioned enrolled bill,” giit niya.

(GENALYN KABILING)