EJ Laure photo copy

Dahil sa hindi makakalaro ang kanilang dating team skipper na si Pamela Lastimosa sanhi ng natamong injury sa tuhod, magkakaroon ng bagong team captain ng Univeristy of Santo Tomas women’s volleyball squad sa darating na UAAP Season 78 volleyball tournament na magbubukas sa Enero 30.

Itinalaga ng coaching staff ng Tigresses sa pangunguna ni headcoach Emilio “Kungfu” Reyes ang incoming sophomore na si Ennajie Laure.

Sa pagka-injured ni Lastimosa, marami ang nagpalagay na ang kapwa nito beteranang si Carmela Tunay ang papalit sa kanyang puwesto,ngunit iba ang gustong mangyari ng coaching staff ng koponan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nais umano ng Tigresses mentors, ayon kay Reyes, na mawala ang pressure sa kanilang mga senior players kaya nila ibinigay ang responsibilidad kay Laure.

Bukod dito, hangad din nilang maaga pa lamang ay matutunan na ni Laure ang pagiging lider ng team upang masanay na ang mga ito bukod pa sa magsisilbi itong motivation para mag-step-up ang Season 77 Rookie of the Year awardees a kanyang laro ngayong taon.

“Ngayon pa lamang tini-train na namin yung mga bata to act as leader kasi eventually, mag-aalisan na sila Mela (Tunay),” pahayag ni Reyes na lumabas sa official newspaper ng UST-ang Varsitarian.

Si Laure ang panganay na anak ng PBA player at dating Adamson standout na si Eddie Laure na naglalaro ngayon para sa Mahindra Enforcers. (Marivic Awitan)