Jean Garcia (1) copy

MASAYANG-MALUNGKOT si Jean Garcia sa pagtatapos, ngayong hapon, ng long running-top rating afternoon prime ng GMA-7 na The Half-Sisters. Nagsimula ito ng June 2014 at magtatapos pagkatapos ng twenty months.

“Marami kaming pinagdaanan sa pagpapalit-palit ng mga eksena, masaya, malungkot, awayan, pagtatraydor, na hanggang ngayong matatapos na lamang ay may pasabog pa kami,” natatawang kuwento ni Jean. “Ako, sa character ko bilang si Rina, masaya nang magbuntis sa dalawang anak na babae, sina Diana (Barbie Forteza) at Ashley (Thea Tolentino), pero napalitan ng sakit at lungkot nang malaman ng asawa kong si Alfred (Ryan Eigenmann) na magkaiba ang ama ng kambal, dahil si Diana ay anak ko kay Benjie (Jomari Yllana). 

“Doon nagsimula ang hirap ko, madalas akong saktan ni Alfred, nabulag pa ako, na siya palang pinakamahirap na role na nagampanan ko. First time kong gumanap na bulag, kaya madalas akong nagkakapasa-pasa kapag nabubunggo ako while doing the scene.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Pero nakita ko ang pag-develop sa husay ng pagganap ng mga tweens namin sa story. Si Diana na mabait pero palaban, si Ashley, minana ang masamang ugali ng ama niya, pero later on bumait at mas mahusay niyang nagampanan ang change ng character niya. Ganoon din si Andre (Paras) as Bradley, si Ruru Madrid na pumasok sa later part ng story. Pumasok din si Gardo Versoza na ngayon ay malalaman na kung sino talaga siya. 

“Tulad ng sabi ko, marami pang pasabog hanggang sa pagtatapos namin. Kaya nagpapasalamat kaming lahat sa mga tumangkilik ng aming serye. Salamat din kina Direk Mark Reyes at Direk Gina Alajar at sa iba pang cast ng serye na naging parang isang masaya kaming pamilya tuwing may taping kami. Salamat sa inyong lahat.” (NORA CALDERON)