Isinailalim ngayon sa imbestigasyon ng Department of Education (DepEd) Taguig-Pateros District ang isang guro makaraang ireklamo ng ina ng isang apat na taong gulang na lalaking estudyante niya na umano’y itinali niya sa upuan matapos tumanggi ang bata na mag-practice ng sayaw sa loob ng isang pribadong eskuwelahan sa Taguig City.

Pansamantalang hindi binanggit ng DepEd Taguig-Pateros District ang inirereklamong guro ng Spring Bridge School na matatagpuan sa M.L. Quezon St., Barangay Wawa, habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kinauukulan.

Sa reklamo ni Aling Rosie, ina ng biktima, nangyari ang insidente habang nagkaklase noong Enero 12.

Sinasabing itinali umano ng guro ang batang estudyante sa upuan dahil tinatamad na mag-practice ng sayaw na isinumbong naman ng biktima sa kanyang ina.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Agad na tinext ni Aling Rosie ang guro ng kanyang anak, na humingi naman ng paumanhin sa insidente.

Napilitan namang maghain ng reklamo ang ginang dahil ayaw nang pumasok ng eskuwelahan ng kanyang anak matapos umanong ma-trauma sa sinapit nito sa kamay ng guro. (Bella Gamotea)