KINATIGAN ng Supreme Court (SC) ang pagsusulong sa Philippines-United States Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), na magpapalawak sa presensiya ng US military sa bansa.

Ang SC, sa botong 10-4-1, ay hindi sang-ayon sa mga petitioner na ang EDCA ay isang paglabag sa Konstitusyon ng ating bansa, integridad n gating teritoryo, kalayaan mula sa nuclear weapon at kalayaan ng local government units.

Sinabi ni SC spokesman Theodore Te na sumang-ayon ang Kataas-taasang Hukuman sa mga respondent na ang layunin ng EDCA ay magpatupad ng mga bats katulad halimbawa ng Mutual Defense Treaty (MDT) at ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“As it is, EDCA is not constitutionally infirm. As an executive agreement, it remains consistent with existing laws and treaties that it purports to implement,” ayon sa desisyon ng SC na pirmado ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa mga opisyal ng gobyerno, na sa ilalim ng EDCA, ang Pilipinas ay pumapayag na magdagdag ng US troops, eroplano at barko sa military bases ng ating bansa at para sa pagpapatayo ng mga pasilidad na pag-iimbakan ng mga gasoline at kagamitan sa Washington.

Ang EDCA ay magsisilbing paalala sa China at mga terorista na manahimik.

Ganito rin ang naging desisyon ng SC en banc, sa botong 12-3, sa temporary restraining orders (TRO) na inisyu ni Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno sa pagpabor kay Grace Poe Llamanzares kaugnay sa mga disqualification case.

Hindi pa tuluyang disqualified si Poe sa pagtakbo nilang pangulo sa 2016 elections.

Gayunman, nilinaw ng SC na ang mga merito ni Poe sa mga disqualification case nito kaugnay ng citizenship at residency ay naka-pending pa.

Samantala, sinabi ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na nais niyang muling buksan ang imbestigasyon sa kaso Mamasapano kung saan namatay ang 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa engkuwentro noong Enero 23, 2015.

“I want to know what his participation in the whole project was. Whose project was this? Was it solely a Philippine project or was it a project induced by other interests? I want to know all of these,” ani Enrile.

Ingat, ingat, may nais malaman si Manong Johnny. (FRED M. LOBO)