MUKHANG ngayon lang naliwanagan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Nais umano niya makipagkita kay Pope Francis upang personal na makahingi ng kapatawaran sa kanyang pagmumura nang siya ay makapaghain ng kandidatura.

Very good, Mayor Duterte! Korekekk!

Ang plano ni Mayor na personal na paghingi ng tawad kay Pope Francis ay kapuri-puri. At marami ang naniniwalang patatawarin siya ng Papa.

Ang pag-amin sa nagawang pagkakamali at paghingi ng tawad sa kasalanan ay isang kapuri-puring bagay. Nagpapatunay lamang na ikaw ay may puso na marunong tumanggap ng pagkakamali.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa ating bansa ay nagkalat na ang mga taong mapagkunwari. Karamihan sa mga nanghuhusga sa kanyang kapwa ay higit na makasalanan. May mga taong hindi umaamin at nagpapanggap na malinis sa mata ng Diyos. Ngunit ang totoo, sila ay makasalanan din at ayaw lamang mahusgahan kaya’t sila ay nagpapakadakila sa mata ng kapwa.

Dapat tanggapin ng simbahan at ng mga humuhusga kay Duterte na ang gagawin niyang pagpapakumbaba, kung sakali, kay Pope Francis ay katangi-tangi. At naniniwala ang kolumnistang ito na patatawarin siya ni Lolo Kiko sa kanyang nagawang pagkakamali.

Kung ang Panginoong Diyos nga ay nagpatawad at patuloy na magpapatawad sa lahat ng mga nagkasala at nagkakasala sa Kanya. Mga nagkanulo, mga nagmura at mga hindi naniwala. Ang mga Hudyo na hindi lamang siya dinuraan, pinagsugalan ang kanyang damit, tinados pa ng sibat ang kanyang tagiliran, pinatungan ng koronang tinik at ipinako sa krus ay pinatawad pa rin Niya. Maging sina Dimas at Hestas na mga magnanakaw, ay pinatawad Niya, sino pa kaya ang hindi?

Ang plano ni Mayor Duterte na magtungo sa Batican City at humingi ng tawad sa Mahal na Papa ay isang kadakilaan.

Magagawa ba iyan ng mga pumupula sa kanya? Ang mga taong halos isumpa siya sa kanyang pagkakamali? Mapatatawad din kaya nila si Duterte gayong sila mismo, sa dami ng ginagawa nilang kasalanan, ay hindi naiisipang humingi ng tawad sa kanilang pagkakamali at panlalamang sa kapwa… ang mga mamamayang Pinoy? (ROD SALANDANAN)