COTABATO CITY — Siyam na barangay sa Kabacan, North Cotabato ang isinailalim sa state of calamity, kasunod ng pamemeste ng mga daga na sumira na ng P13 milyon halaga ng mga pananim na palay at mais.

Ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Kabacan noong Miyerkules ang resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity sa mga barangay ng Pangilan, Kuyapon, Dagupan, Lower Paatan, Upper Paatan, Katidtuan, Malamote, Simone at Pedtad.

Mahigit 470 pamilya ang nagdeklara ng “failure” sa ani simula noong Disyembre dahil sa pag-atake ng mga daga sa 606 na ektaryang palayan at maisan, ayon kay David Don Saure, chairman ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ang “failure” ay terminong ginagamit ng mga magsasaka kapag ang itinanim na palay ay mas kaunti ang ibinunga kumpara sa inaasahang anihin sa bawat ektarya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The declaration would allow the local government to extend financial and material aid to affected farmers,” sinabi niya sa isang panayam sa radyo.

Sa South Cotabato, sinabi ni Justina Navarette, mula sa Provincial Agriculture Office, na pinag-aaralan pa nila ang lawak ng pinsalang idinulot ng pamemeste ng mga daga.

Isang food for work campaign din ang kanilang ipinatutupad -- ang mga magsasaka ay makatatanggap ng isang kilo ng bigas sa bawat 10 buntot ng daga na kanilang nahuli.

Ayon kay Engr. Eliseo Mangliwan, North Cotabato provincial agriculture officer, ang pag-atake ng mga daga sa mga palayan at maisan ay isa sa mga epekto ng tagtuyot.

“Massive infestation could be attributed to climate change and the onset of El Niño phenomenon,” ani Mangliwan, idinagdag na ilang barangay sa Arakan at Tulunan, sa North Cotabato, ang nagrereklamo rin sa pag-atake ng mga daga.

(PNA)