Nangapa sa panimula ng laro si Stpehen Curry at kanyang mga kakampi bago nag-take-over ang kanilang bench sa final canto nang pataubin ng Golden State ang Miami, 111-103.
Pinagpag ni Marreese Speights ang unang 36 na minuto na tila pangangalawang niya sa laro at nagtala ng unang 6 na puntos ng Warriors sa fourth period para pangunahan nila ang laro at tuluyang makamit ang ika-36 na sunod na regular-season home win.
Nagposte pa rin ang reigning MVP na si Curry ng 31 puntos sa kabila ng kanyang off-shooting night habang nagdagdag si Draymond Green ng 22 puntos at 12 rebounds habang 17 puntos naman ang inambag ni Klay Thompson.
Dahil sa tulong ng kanilang bench ay nangalahati na ang Warriors (36-2) sa naitalang record win total na 72 ng Chicago na naitala ng mga ito noong 1996-97.
Nanguna naman para sa Miami Heat, na nakamit ang ikatlong pagkabigo sa kanilang huling 11 laro, sina Dwayne Wade,Chris Bosh at Gerald Green na umiskor ng 20 at tig-15 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Napantayan din ng Warriors ang Philadelphia 76ers (1966-67) bilang ikaapat na koponang may longest regular-season home win streak sa NBA history.
Ang Chicago ang may hawak ng record na 44 na ginawa nila noong 1996-97.