Ipinag-utos ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang pagsasara ng mga religious store ng mga parokya.
Ayon kay Villegas, layunin ng kautusan na tugunan ang maling impresyon ng mga mananampalataya na ang simbahan ay nagnenegosyo na rin, bukod sa spiritual mission nito. “It is a hard climb but we must be wise as serpents and innocent as doves,” aniya.
Sa circular na inisyu ni Villegas sa kaparian, nabatid na ang naturang polisiya ay tinalakay at napagkasunduan sa archdiocesan clergy meeting noong nakaraang linggo.
“The Church stands at risk as secularism gains ground. We choose the path of pastoral prudence,” aniya pa.
(Mary Ann Santiago)