ALDEN copy copy

SINAMANTALA agad ng bashers at walang magawang fans na wala pa rin si Alden Richards sa Eat Bulaga at sa kalyeserye noong Monday, January 11, kahit nakabalik na sa bansa si Tisoy noong gabi ng January 9 at nakapag-show na sa Sunday Pinasaya noong Linggo, sa tribute para kay Kuya Germs.

Ayon sa tsika, hindi na raw pinag-report si Alden sa show at sabi pa ay tatawagan na lamang kung kailan siya kailangan. Hindi lang si Alden, damay din sa bashing ang show at ang writer nito na si Jenne Ferre.

May nagpakalat agad sa Twitter, isang may Twitter account name na @Rhiza Joi Resuello na huwag daw palabasin na si Alden ang may gustong umalis as EB. Ang headwriter daw ng EB na si Jenne Ferre ang nag-decide na tanggalin na sa show si Alden. Siyempre pa, apektado agad ang AlDub Nation, lalo pa nga at wala si Alden sa show.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tinawagan namin ang handler ni Alden na nagsabing hindi totoo ang tsikang iyon. Wala lamang daw talaga si Alden sa show at sa kalyeserye, dahil may TV commercial shoot ang actor at kailangan ang day effect since outdoor ang shoot. Hindi matatapos ang shoot kung join pa si Alden sa kalyeserye. 

Nakatanggap naman kami ng text at post sa Twitter na nakita nila si Alden sa Versailles Village, Madrigal Park sa Parañaque City. Ang daming nanonood sa shoot habang nasa gitna ng malaking swimming pool si Alden. Hindi lamang nila alam kung ano ang bagong endorsement na ginagawa ni Alden.

At para mapatunayan din na hindi totoo ang balita, inin-corporate ng writer sa dialogue ni Yaya Dub (Maine Mendoza) sa kalyeserye. Si Lola Nidora (Wally Bayola) ang nagtanong kung bakit wala si Alden, ang sagot ni Yaya, “Wala po Lola, may trabaho siya, may commercial shoot po siya, para rin po naman sa aming dalawa iyong trabaho niya.”

Ayon pa sa handler ni Alden, lahat ng mga ginagawa nila ay ipinagpapaalam ng GMA Artist Center sa Eat Bulaga at pinapayagan naman sila. Hindi naman talaga ito maiiwasan, nagkataon nga lamang na apat na araw nawala si Alden sa kalyeserye at noong nasa Dubai siya for a show, tumatawag lamang siya para makausap si Yaya Dub at marinig din naman ng fans ang boses niya.

Kaya AlDub Nation, huwag kayong mag-alala, stay united at patunayan ninyo na mali ang sinasabi nilang hanggang diyan lamang ang AlDub phenomenon. Patuloy na magsasama sina Alden at Yaya Dub sa kalyeserye. Last Tuesday ay 150th episode na sila since nagsimula ang kalyeserye noong July 16, 2015. (NORA CALDERON)