ACAPULCO, Mexico (AFP) — Pinaghahanap ng mga sundalo at pulis sa Mexico ang mahigit 17 katao na dinukot ng armadong grupo ng kalalakihan na lumusob sa isang kasalan sa estado ng Guerrero sa katimogan.

Sinabi ng isang opisyal ng state security department sa AFP na 10 katao ang iniulat na nawawala matapos ang mass abduction noong Sabado sa munisipalidad ng Arcelia.

Ngunit sinabi ni Mayor Adolfo Torales na tinangay ng armadong grupo ang 17 kalalakihan matapos parahin ang convoy ng mga pamilya sa komunidad ng El Salitre ng hapong iyon.

“They took just the men, leaving the women and children,” ani Torales sa Radio Formula.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sinabi ni Torales na inaakusahan ng armadong grupo ang kalalakihan na miyembro ng drug cartel na kilala bilang La Familia Michoacana.

Ngunit ayon sa mayor, ang mga nawawala ay “totally innocent”, at ilan sa kanila ay “blacksmiths, shopkeepers, farmers. They’re very poor people.”