Parami nang parami ang mga Pilipino na bumabaling sa wine, kumonsumo ng mahigit 1.2 milyong litro sa nakalipas na unang 11 buwan ng 2015, halos 40% mas mataas kesa sa nakaraang taon na may kabuuang 396,000 litro, ipinakita ng statistics ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi ng mga opisyal ng BIR na malakas ang bentahan ng wine, partikular na ang red variety, sa “sin” market nitong mga nakalipas na taon, gayunman ang fermented liquor gaya ng beer ang nananatiling paborito sa consumption rate na halos 1.6 bilyong litro simula Enero hanggang Nobyembre ng 2015.

Sinabi ng BIR na ang alak, kabilang na ang wine, ay nagbigay sa gobyerno ng kitang mahigit P37 million sa excise tax. (Jun Ramirez)
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador