Muling nakakumpiska ng iba’t ibang kontrabando ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ika-12 “Oplan Galugad” sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon.

Ayon kay BuCor Director Retire General Ricardo Rainier Cruz III, dakong 5:00 ng madaling araw nang suyurin ng kanyang mga tauhan ang mga selda at kubol sa quadrant 1 ng Buildings 6-B at 1-D sa maximum security compound na kulungan ng mga kasapi ng “Batang City Jail.”

Nasamsam ang isang kalibre .45 baril at mga bala sa kubol ni Joel Bernales na nahatulan sa kasong murder. Nakumpiska naman sa kubol ni Jesus Abangon alyas “Boy Buwaya”, mayor ng Batang City Jail, ang mamahaling gamit tulad ng portable facial machine at play station unit. Nakuha sa iba pang selda ang VHF radio, appliances gaya ng flat screen TV, DVD, refrigerator at sound system, cellular phone, water heater ng shower, remote control toy helicopter, mga tangke ng LPG, drug paraphernalia, patalim, ilang galon ng homemade beer at panabong na manok. (Bella Gamotea)
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador