Matapos isa-isahin ang mga kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon, pinayuhan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile si Pangulong Aquino na “magnilay-nilay at ipamalas ang kanyang pagiging tunay na lider.”

“Well, I am not about to be an adviser to the President, but I would suggest to him to re-examine himself and don’t be paranoid in imputing any motives against other people. Think, reflect in yourself and assert your leadership,” pahayag ni Enrile sa panayam sa radyo.

“There was a failure of leadership in Mamasapano, there was a failure of leadership in that fiasco in Luneta or Manila Hotel. It’s always a failure of leadership,” dagdag ng beteranong mambabatas.

Nilinaw ni Enrile na wala siyang masamang tinapay kay Aquino sa kabila ng paghahain ng gobyerno ng kasong plunder at graft laban sa kanya na may kaugnayan umano sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang 91-anyos na si Enrile ay pansamantalang nakalaya matapos payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa noong Agosto 2015.

Sinabi ni Enrile na palpak ang gobyernong Aquino sa pagtugon sa pangangailangan ng libu-libong biktima ng super typhoon ‘Yolanda.’

Si Enrile ang nagsulong sa Senado na muling buksan ang imbestigasyon sa Mamasapano massacre case upang matukoy, aniya, kung ano ang naging papel ni Aquino sa palpak na operasyon ng Special Action Force (SAF) na ikinamatay ng 44 na police commando noong Enero 2015.

Muling didinggin ng Senado ang brutal na pagkamatay ng “SAF 44” sa unang anibersaryo ng trahedya sa Enero 25.

“I’m not saying this because I want to be personal, but it’s an analysis of the office administration. Who will remember this growth rates and numbers in the future?” tanong ni Enrile.

“Other presidents have also numbers and growth rates, but nobody remembers them. What they will remember is the way you performed your function as a President in crisis situation,” giit niya. (HANNAH L. TORREGOZA)