SANTA IGNACIA, Tarlac – Labis na dinamdam ng isang 45-anyos na magsasaka ang alitan nilang mag-asawa tungkol sa kanilang kalabaw kaya ipinasya niyang magbigti sa Purok Liwliwa, Barangay Botbotones sa Santa Ignacia, Tarlac.

Kinilala ni SPO2 Jay Espiritu ang nagpatiwakal na si Arnel Capili, 45, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na nagtalo si Arnel at ang asawang si Imelda Capili tungkol sa kanilang alagang kalabaw na labis na dinamdam ni Arnel hanggang umalis siya ng bahay at hindi umuwi sa loob ng limang araw.

Nang hanapin ni Imelda, kasama ang kapatid ni Arnel, ay natagpuan nila ang huli na nakabigti sa puno ng Ipil-Ipil.

Probinsya

Bahagi ng sementeryo sa Catanduanes, gumuho sa pag-ulan; ilang puntod, tinangay ng baha!

(Leandro Alborote)