LIPA CITY, Batangas - Nagbigay ng direktiba si Batangas Police Provincial Office (BPPO) Director Senior Supt. Arcadio Ronquillo, Jr., para magsagawa ng imbestigasyon at alisin sa puwesto ang hepe at apat na tauhan ng Lipa City Police matapos matakasan ng apat na preso kahapon.

Ayon sa impormasyon mula sa BPPO, sinibak sa puwesto dahil sa command responsibility si Supt. Barnard Danie Dasugo, hepe, gayundin ang duty officers na sina Senior Insp. Domingo Ballesteros Jr., SPO2 Cleofe Pera, PO2 Jayson Luna, at PO1 Daniel Cascante.

Nahaharap sa kasong administratibo ang naturang mga pulis, habang infidelity in the custody of detention prisoners ang hinaharap ni Cascante bilang duty jailer.

Mananatili ang mga pulis sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) habang iniimbestigahan ang insidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dakong 2:10 ng umaga nang makatakas ang mga suspek na sina Alvin Masupil, 27; Jonathan Jimenez, 23; Marvin Inciong, 33, pawang akusado sa ilegal na droga; at Rommel Endaya, 27, may kasong theft.

Agad namang nahuli ang isa pang pumuga na si Tommy Candor, alyas Balawis.

Natuklasan ang pagtakas nang may narinig umanong kaluskos ang desk officer na si Luna mula sa kisame at nang tingnan ang likuran ng selda ay naaktuhan ang pagtalon ni Candor mula sa kisame kaya agad itong nadakip.

Sa isinagawang head count, nabatid na nawawala ang apat na nabanggit na preso mula sa 40 nakapiit sa himpilan.

(LYKA MANALO)