HINDI pinalad na makasama sa Oscar’s Foreign Film race ang Filipino biopic na Heneral Luna.

Ang pelikulang tumatalakay sa pamumuno ni Hen. Antonio Luna sa Philippine Revolutionary Army noong panahon ng Philippine-American war ang napiling pambatong pelikula ng Pilipinas sa Foreign Film category ng Oscars.

Sa foreign films na in-screen ng Academy Awards, hindi rin napabilang ang Heneral Luna sa top nine foreign films na maglalaban-laban para sa Best Foreign Picture award. Wala rin sa shortlist ng Oscars ang alinmang movie na galing sa Southeast Asian country.

Ngayong araw (January 14) ia-announce ang complete list ng masuwerteng final five na maglalaban-laban sa Best Foreign Film category. 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang Heneral Luna ay pinagbibidahan ni John Arcilla bilang si Heneral Luna kasama si Mon Confiado bilang si Presidente Emilio Aguinaldo at si Paulo Avelino bilang si Hen. Gregorio del Pilar. (ADOR SALUTA)