TARLAC CITY - Isang public school teacher ang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) matapos niya umanong hatawin ng bote ng mineral water sa noo ang kanyang estudyante sa campus ng San Miguel Elementary School sa Tarlac City.

Ayon kay PO3 Analyn Mora, inireklamo si Joyce Tolentino, nasa hustong gulang, ng Bgy. San Miguel, sa pananakit sa siyam na taon na lalaking kanyang estudyante sa Grade 4.

Sa imbestigasyon ng pulisya, 10:00 ng umaga at naka-recess ang mga bata nang tawagin ni Tolentino ang biktima, na noon ay naglalaro, at paglapit ay agad na hinataw ng bote ng mineral water sa noo. (Leandro Alborote)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito