prince albert pagala copy

Umatras sa laban sa walang talong world rated na si WBO Youth Intercontinental super bantamweight champion Prince Albert Pagara si dating IBF super flyweight beltholder Juan Carlos Sanchez para harapin si Philippine 122 pounds titlist Jhon Gemino sa Enero 23 sa Mexicali, Baja California, Mexico.

Dapat na haharapin ni Sanchez ang walang talong si Pagara laban sa “Pinoy Pride” fight card sa Pebrero 27 sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City ngunit bigla siyang umatras sa laban matapos mapanood ang video recording ng ilang laban ng 21 anyos na boksingero ng ALA Promotions.

Galing si Sanchez sa pagkatalo sa 12-round unanimous decision sa nakalaban ni WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. na kababayang si Cesar Juarez noong Hulyo 25, 2015 sa Los Mochis, Sinaloa, Mexico kaya mas pinili niyang harapin si Gemino kaysa mapanganib na kalabang si Pagara.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naging kampeong pandaigdig ang 24-anyos na si Sanchez nang talunin sa puntos ang kababayang si Rodrigo Guerrero noong Pebrero 11, 2012 sa Los Mochis, Sinaloa, Mexico at dalawang beses niya itong naipagtanggol kabilang ang 9th round knockout kay dating WBC light flyweight champion Rodel Mayol ng Pilipinas noong Setyembre 22, 2012 sa Los Mochis, Sinaloa rin kaya nagretiro na ang Pinoy boxer.

Magaang laban para kay Sanchez si Gemino na kahit isang kampeon sa Pilipinas ay lumasap ng dalawang sunod na pagkatalo sa Mexico noong nakaraang Hulyo at Setyembre 2015.

Unang nadaig si Gemino via 10-round unanimous ng walang talong si WBC Silver super bantamweight champion Andres Gutierrez (UD 10) bago napatigil sa 8th round ni ex-interim WBO super flyweight titlist Daniel Rosas sa mga laban sa Mexico.

May kartada ang 23-anyos na si Gemino na 12-5-1 win-loss-draw na may 5 panalo sa knockouts samantalang si Sanchez ay may rekord na 20-4-1 win-loss-draw na may 9 na knockout wins. (gilbert espeÑa)