Plano ng pamahalaang lungsod ng Maynila na magpatayo ng columbarium, na may kasamang libreng burol at cremation services, sa North at South cemetery ngayong taon para sa mahihirap na Manilenyo.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, naglaan siya ng P90 milyon pondo para sa konstruksiyon ng columbarium at condominium-type crypt sa North cemetery na ipupuwesto sa bakanteng lupa sa may A. Bonifacio Avenue, malapit sa gilid ng Chinese General Hospital.

Habang ang isang abandonadong istuktura na ginamit bilang morgue ay aayusin at magiging lugar para burulan at ang incinerator sa MNC ang gagamitin sa libreng cremation.

“When I was mayor of San Juan, I would often visit wakes and I would look at the dead and be surprised. They are already turning violet but they cannot be laid to rest because their families are relying on donations or even on gambling to gather money for their burial. This is why we thought of putting up free burial services, to help the poor residents. Now, we have services from womb to tomb,” ayon kay Estrada.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi naman ni City Engineer Robert Bernardo na ang apartment-type crypt ay kayang maglagay ng 2,760 bangkay habang 6,720 urns naman sa columbarium.

Samantala, sinabi ni Bernardo na pinag-aaralan naman nila ang panukalang isinumite ng isang pribadong kumpanya na interesadong pumasok sa isang joint venture agreement para sa konstruksiyon ng katulad na proyekto sa Manila South Cemetery sa Makati. (Mary Ann Santiago)