Ginulantang ng magnitude 6.4 na lindol ang Sarangani, kahapon.
Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 12:37 ng umaga nang mangyari ang pagyanig.
Natukoy ng Phivolcs ang sentro nito sa layong 313 kilometro, silangang bahagi ng naturang lugar at lumikha ng lalim na 29 na kilometro.
Naramdaman naman ang Intensity 1 sa bayan ng Alabel, at sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Nilinaw ng ahensiya na walang naiulat na nasaktan at wala ring nasirang imprastruktura, bagamat inaasahan ang aftershocks. (Rommel P. Tabbad)