Tuloy ang panunungkulan bilang alkalde ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno, sa kabila ng paglalabas ng Office of the Ombudsman ng dismissal order laban sa kanya.

Ito ay matapos na magpalabas ng panibagong kautusan ang Court of Appeals (CA) Special 2nd Division na nagbibigay ng writ of preliminary injunction kay Moreno upang hindi makausad ang dismissal order laban sa alkalde.

Inatasan ng CA ang Department of Interior and Local Government (DILG) na huwag gumawa ng anumang hakbangin habang nireresolba ang kaso ni Moreno laban sa dismissal order ng Ombudsman.

Sinabi naman ng abogado ng petitioner na si dating Barangay Taglimao Chairman William Guillani na maghahain sila ng motion for reconsideration sa CA.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid na sinibak ng Ombudsman si Moreno dahil sa grave abuse authority case na inihain ni Guillani kaugnay sa compromise agreement ng siyudad at ng kumpanyang Ajinomoto. (Beth Camia)