Tinatayang nasa R180 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa dalawang Filipino-Chinese sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Sa report ni PDEA Usec. Director General Arturo Cacdac, Jr., kinilala ang mga suspek na sina Sonny Ang y Perine, 67, ng La Trinidad, Benguet; at Benito Tiuseco y Sia, 47, ng San Pablo,Laguna.

Dakong 8:00 ng umaga nang isagawa ng PDEA Special Enforcement Service ang buy-bust operation, sa pamumuno ni Director Ismael Fajardo, sa Barangay Lawang Bato sa Valenzuela City at nasorpresa ang dalawang suspek, na miyembro umano ng isang big-time drug syndicate.

Nakumpiska kina Tiuseco at Ang ang 37 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P180 milyon mula sa isang bodega sa Bgy. Lawang Bato.

Makasaysayang MMFF trophy, proud na inirampa ng mismong designer nito

Ayon kay Fajardo, isang linggo nang sinusubaybayan ng PDEA ang mga aktibidad ng sindikato bago ikinasa ang buy-bust operation.

Patuloy namang tinutugis ng PDEA ang iba pang mga kasamahan nina Ang at Tiuseco. (JUN FABON)