Hangad ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission (PSC) na maipakitang muli ang galing ng mga atletang Pilipino at ang husay natin sa pag-aasikaso bilang host ng regional sports tournament sa Southeast Asia sa pagnanais nitong masimulan ang maagang paghahanda para sa 29th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa 2019.

Sinabi ni POC Treasurer Julian Camacho na agad na pagpupulungan sa unang POC Executive Committee meeting sa Pebrero 5 ang lahat ng mga paghahanda at kakailanganin para sa muling pagho-host ng bansa sa kada dalawang taong torneo na huli nito isinagawa noong 2005.

“We will have an in-depth discussion with regards to our 2019 SEA Games hosting in our next execom meeting,” sabi ni Camacho, na siya ring secretary-general ng Wushu Federation of the Philippines (WFP).

Ipinaliwanag ni Camacho na nais ng POC na agad mabuo ang mga komite na siya nitong papaganahin para sa pagpaplano, pag-iimplementa at pagdedesisyon sa iba’t-ibang gawain na nakaakibat sa mahihirap na aktibidad sa pagsasagawa sa ikaapa na pagkakataon lamang bilang host ng Pilipinas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Unang naghost ang Pilipinas ng SEAG noong ika-11 edisyon nito noong 1981; sumunod noong 16th edisyon noong 1991; at noong ika-23 edisyon noong 2005.

Agad pagdedesisyunan sa isasagawang pulong ang pagbubuo sa General Secretariat o dating tinawag na PHILSOC o Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee bago itakda ang mga kakailanganin nitong mga komite para sa pagpapatakbo sa mga laro at pangkalahatang pag-oorganisa ng torneo.

“Siyempre, unang pag-uusapan ay ang mga paglalabanang sports and then kung saan ang venue o mga venues at kung kinakailangan pa ba natin na magpagawa ng mga facilities other than sa mga existing,” sabi ni Camacho.

Hindi tinukoy ni Camacho kung muling magiging main hub ang 88-taong Rizal Memorial Sports Complex bagaman nakasalalay pa sa resulta ng magiging pagpupulong kung gagawin nilang muli ang dating isinagawa na paghost ng ibang mga events sa probinsiya na gaya ng ginawa noong 2005 nang magdaos ng ilang mga events sa Bacolod at Cebu City.

“We now have the Philippine Arena pero medyo malayo,” sabi ni Camacho. “Marami din tayo facilities tulad sa Laguna, sa PhilSports Arena, sa Mall of Asia Arena at iyun pa sa mga provinces but depende pa rin iyon sa magiging desisyon ng mga opisyales.” (ANGIE OREDO)