NGAYONG umaga, January 13, pagkatapos ng Holy Mass at 9:00 AM sa Mt. Carmel Shrine sa Broadway, Quezon City, ililipat na ang mga labi ni German “Kuya Germs” Moreno sa GMA Network Center sa Timog, Quezon City. 

Dadaan muna ang carriage sa Broadway Centrum (dito nagsimula ang That’s Entertainment), dadaan din sa Sampaguita Mansion at Sampaguita Studio, sa bahay ni Kuya Germs sa Valencia, Quezon City, at saka didiretso na sa GMA. Ang estimated time of arrival ay between 11:30 to 12:00 nn.

Naging tahanan na ni Kuya Germs ang GMA simula pa nang magtrabaho siya sa network thirty years ago.

Sa Studio 7 ng GMA Network Annex ang burol, sa lugar na naging mahalaga kay Kuya Germs dahil doon ginagawa ang special presentation ng Walang Tulugan at every Sunday. Nang magsimula ring ipalabas doon ang Sunday Pinasaya ay walang patlang na nasa audience siya at nanonood ng presentation. 

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Noong nakaraang Linggo, January 10, sa tribute sa kanya ng show, inilagay sa special chair na ginagamit niya every Sunday ang malaking sampaguita garland.

Magkakaroon ng public viewing para sa fans and friends na nais magbigay-pugay kay Kuya Germs from 2:00 PM to 5:00 PM. Magkakaroon ng Holy Mass at 6:00 PM na susundan ng necrological service. Muling magkakaroon ng public viewing at 10:00 p.m. onwards.

Bukas, Thursday, January 14, magkakaroon muna ng 9:00 AM. Holy Mass sa Studio 7, bago tuluyang dalhin ang mga labi ng Master Showman Moreno sa Loyola Marikina, sa tabi ng libingan ng kanyang ina.

Paalam, Kuya Germs! (NORA CALDERON)