Hiniling ng UK Athletics (UKA) na burahin ang mga naitalang mga world records at i-ban ng hanggang walong taon ang mga ‘drug cheats’ sa isang kanilang radikal na panukala na naghahangad na masimulan ang isang malinis na era sa sport ng athletics.

Inilathala ang UKA’s document na pinangalanang - “A Manifesto for Clean Athletics” noong nakaraang Lunes, Martes dito sa bansa, tatlong araw bago ang pagpapalabas ng World Anti-Doping Agency (WADA) ng second half ng kanilang ‘independent report’ sa malawakang doping sa sport.

Ang UKA,ang ruling body ng British athletics,ay nagbigay ng siyam na mahahalagang mga rekumendasyon kabilang na ang pagri-reset ng mga record books at ang pag-ban ng mga drug cheats sa dalawang Olympic cycles.

Nagpanukala din sila ng pagsasagawa ng ‘public global register of drug tests’, ang procurement ng performance-enhancing drugs at ang panawagan sa WADA na magkaroon ng register sa lahat ng mga missed tests.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang athletics, ang centerpiece sport ng Olympic Games, ay nakaranas ng “traumatic year” noong isang taon dahil sa ipinataw na ‘life bans’ sa mga opisyales na umano’y sangkot sa doping, cover-up, panunuhol at korapsiyon.

Nasuspinde ang Russia sa paglahok sa international competition dahil sa sinasabing isinagawa nitong “state-sponsored doping”.

Ayon kay UKA chairman Ed Warner, panahon na para sa radikal na reporma dahil nahamon aniya ng husto ang integridad ng athletics noong 2015.

“Trust in the sport is at its lowest point for decades, and clean athletes have been let down.Greater transparency tougher sanctions longer bans -- and even resetting the clock on world records for a new era -- we should be open to do whatever it takes to restore credibility in the sport,” ani Warner. (REUTERS)