Heart at Mark kasama ang kanilang mga modelo copy

NAGSIMULA ang lahat nang personal na magtungo si Heart Evangelista sa bahay ng fashion designer na si Mark Bumgarner upang isukat ang ipinagawa niyang dress na kanyang isusuot sa isang event.

Naging maganda ang kanilang pag-uusap at pagpapalitan ng mga ideya, partikular na sa pagkukulay at disenyo ng sapatos. Iyon ang nagbunsod para maisip nila na maganda ang kanilang kombinasyon, mula sa pagsusukat ng Bumgarner dress hanggang sa pagdidisenyo ng sapatos, at nauwi sa pagbuo ng whole dress collection.

Dahil swak ang kanilang malawak na imahinasyon, talento, at creativity flow, hindi basta-basta at kakaiba ang kanilang pagsasama bilang fashion designer at artist. Ang sekreto sa kanilang magagandang likha at perpektong kombinasyon sa fashion ay ang tiwala sa kakayahan ng isa’t isa. Tinatanggap din nila ang suhestiyon ng isa’t isa lalo na sa mga obra na mas mapagaganda pa nila.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang unang collaboration ni Heart at Mark ay nabuo mula sa kani-kaniyang inspirasyon at ideya. Ayon kay Mark, “It came from the art, gardens and a certain technique. There’s not one inspiration that I draw from.”

Para naman kay Heart, pinalutang nila ang “femininity” sa mga damit na kanilang nilikha.

“It gives you an instant feeling of beauty when you wear these dresses. It’s like staring at a painting but actually wearing them,” sabi ni Heart.

Ang buong collection na nabuo nina Mark at Heart ay umabot sa eleganteng 40 dresses at 15 sa mga ito ang pinintahan ni Heart. Itatampok ito sa fashion show gala na gaganapin sa Enero 18 sa Dusit Thani Ballroom at magkakaroon ng silent auction na lahat ng proceeds ay ipagkakaloob sa Corridor of Hope Foundation at Thalassemia International Association (dating Balikatang Thallassemia Foundation).