Masusubok ang katatagan ng mga batang homegrown basketball talent kontra sa dalawang dayuhang koponan na magdadagdag atraksiyon sa pagsasagawa ng pambansang kampeonato ng 8th SM- National Basketball Training Center (NBTC) sa Mall of Asia Arena.

Ito ang sinabi nina NBTC program director Eric Altamirano kasama si Selection Committee Head Ato Badolato at Mike Tolomia ng Far Eastern University na produkto ng kinukonsiderang national grassroots program sa lingguhang Philippine Sportswriter Association (PSA) forum sa Shakey’s, Malate.

“What we could consider unique in the NBTC is that on our first three years, we only teach skills in our clinics and workshops in three cities,” sabi ni Altamirano. “Now, it has grown big such that na-observed na kulang ang program sa tournament at walang exposure ang mga bata kaya we decided to have its own tournament,” sabi nito.

Ipinaliwanag naman ng premyadong coach na si Badolato na bago ang torneo ay nagsagawa muna sila ng coaches congress kung saan mahigit sa 1,000 coach ang dumalo upang maturuan ng tamang pagtuturo, paghuhubog at pangangalaga sa mga kabataang manlalaro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We now have a total of 700 member na high schools from 48 cities in Luzon, Visayas and Mindanao excluding Metro Manila,” sabi pa ni Badolato.

Kasalukuyan naman na isinasagawa na ang torneo sa mga lungsod para sa kikilalaning City champions na agad na susundan ng sagupaan para sa Regional Champions. Ang mga tatangghaling kampeon sa regional ang aakyat sa National Championships kung saan 24 na siyudad ang papasok.

Isasagawa ang National Championships sa Marso 13 hanggang 17 sa Mall of Asia (MOA) Arena kung saan isasagawa ang pinakatampok na High School All-Star Games.

Hinati naman ngayong taon sa dalawang dibisyon ang torneo na susundin ang FIBA format. Ang unang dibisyon kung saan kabilang ang mga manlalaro mula sa UAAP at NCAA players ay sasabak naman sa dadayo na koponan mula sa Canada at Thailand na kakatawanin ng Trail International School mula sa Bangkok, Thailand.

Ang ikalawang dibisyon ay bubuuin ng mga koponan at manlalaro mula sa magkukuwalipikang mga probinsiya.