BUTUAN CITY – Malubhang nasugatan ang isang 57-anyos na ama matapos siyang barilin nang malapitan ng anak niyang lalaki sa Barangay Banahao, sa Lianga, Surigao del Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng pulisya ang nasugatan na si Emilio E. Pancit, magsasaka sa nasabing lugar.

Kritikal ang lagay ni Pancit sa Lianga District Hospital matapos na tumama sa kanyang dibdib ang nag-iisang bala ng .38 caliber revolver na ipinutok ng kanyang anak.

Agad namang nadakip ang anak niyang si Emelito B. Pancit, Jr., 27, ng mga operatiba ng Lianga Municipal Police.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagtatalo ang mag-ama dakong 7:40 ng gabi nitong Linggo nang dinampot ni Emilio ang kanyang bolo at hinabol ng taga ang anak.

Gayunman, nagawang makuha ni Emelito ang kanyang baril at pinaputukan niya ang anak na nasapol sa dibdib, iniulat ng Lianga Police. (Mike U. Crismundo)