Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng sundalo na hindi sila maaaring makisawsaw sa pulitika, maging sa social media, habang papalapit ang eleksiyon.
Binalaan ni Col. Noel Detoyato, hepe ng AFP Public Affairs Office (PAO), ang mga sundalo laban sa pagpapaskil ng komento, pagla-like, o pagse-share sa Facebook at sa iba pang social networking site ng mga artikulong may kinalaman sa mga kandidato.
“There are very harsh repercussions on what soldiers click and share on social media, especially when the post is about a candidate in the upcoming polls,” ayon kay Detoyato.
“The orders given to them (troops) by the Chief of Staff (Gen. Hernando Iriberri) is very strict and very specific.
The AFP has to remain non-partisan during elections,” dagdag niya.
Maganda man o hindi ang kanilang ipapaskil na komento sa isang pulitiko, sinabi ni Detoyato na maituturing itong pamumulitika para sa mga tauhan ng AFP.
“That is an expression…that is considered a violation,” ayon sa opisyal. “May mga specifics kasi dun sa proper use of social media.”
Hinikayat din ng AFP spokesman ang publiko na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang mga sundalong lalabag sa naturang kautusan. (Elena L. Aben)