Pinagtibay ng Supreme Court (SC) en banc ang inilabas na dalawang temporary restraining order (TRO) sa mga disqualification case laban sa presidential aspirant na si Sen. Grace Poe.

Sa en banc session kahapon, 12-3 ang naging resulta ng botohan ng mga mahistrado para pagtibayin ang TRO na inilabas ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno noong Disyembre 28, 2015 para kay Poe.

Nangangahulugan itong hindi pa maaaring tanggalin ng Commission on Elections (Comelec) ang pangalan ni Poe sa listahan ng mga opisyal na kandidato sa pagkapangulo sa Mayo 9.

Kasabay nito, pinagbigyan ng Korte Suprema ang hirit ng kampo ni Poe na pag-isahin na lang ang dalawang disqualification case laban sa kanyang pagkandidato bilang pangulo sa 2016 elections.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ipinagpaliban naman ng Kataas-Taasang hukuman ang oral argument na unang itinakda sa Enero 19, at ihahayag na lang ang bagong schedule.

Ang oral argument ay kaugnay ng petisyon ng talunang senatorial candidate na si Rizalito David, na kumukuwestiyon sa ruling ng Senate Electoral Tribunal (SET) na isang natural-born Filipino citizen si Poe. (BETH CAMIA)