Sa kulungan ang bagsak ng isang 32-anyos na motorcycle rider matapos tangkaing takasan ang unang araw ng Comelec checkpoint sa Pasay City kahapon.
Ang suspek ay kinilalang si Rodolfo Guillen Jr. 32, miyembro ng Marshall Force Multiplier sa Camp Crame at residente sa No.3 Limasawa St. Magallanes Village Makati City.
Dakong 12:46 ng madaling araw, nagpapatupad ng checkpoint ang mga tauhan ng Maricaban Police Community Precinct (PCP) sa Aurora Boulevard, Maricaban ng lungsod, nang parahin nina PO2 Alladin Gillana at PO1 Anthony Managtag si Guillen na nakasakay sa orange na Yamaha FZ motorocycle na may plakang 1864-UE. Sa halip na huminto biglang inilihis ng suspek ang minamanehong motorsiklo at tinangkang takasan ang checkpoint.
Posibleng maharap si Guillen sa kasong paglabag sa Republic Act 4136 (Driving Under the Influence of Intoxicated Liquor) at Art.151 RPC (Resistance and Disobedience Upon an Agent of Person in Authority). (Bella Gamotea)