HANGAD ng Russia na magsama-sama ang buong mundo sa paglaban sa terorismo. Ito ang inihayag ni President Vladimir Putin sa isang panayam na inilathala kahapon, kasabay ng muling pag-akusa sa West ng pagpapalubha sa pandaigdigang krisis na nagbunsod nito.

“We are faced with common threats, and we still want all countries, both in Europe and the whole world, to join their efforts to combat these threats, and we are still striving for this,” sinabi ni Putin sa panayam sa kanya ng pahayagan ng Germany na Bild.

“I refer not only to terrorism, but also to crime, trafficking in persons, environmental protection, and many other common challenges,” ani Putin.

“Yet this does not mean that it is us who should agree with everything that others decide on these or other matters.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inaatake ng puwersang panghimpapawid ng Russia ang mga target sa Syria, at sinabi ng Moscow na hangad nitong pahinain ang puwersa ng Islamic State, na naging miyembro ang libu-libong Russian at nagdudulot ngayon ng seryosong banta sa pambansang seguridad. Inako ng grupo ang responsibilidad sa pagpapabagsak sa isang eroplanong Russian sa Egypt noong Oktubre, na ikinamatay ng 224 na katao.

Ngunit hindi nakibahagi ang Russia sa koalisyong pinamunuan ng Amerika na nagsagawa ng mga pag-atake sa Islamic State sa Syria at Iraq, at sinabi ng Washington at ng mga kaalyado nito na layunin ng mga pag-atake ng Moscow na tulungang manatili sa kapangyarihan si Syrian President Bashar al-Assad.

Sinabi ni Putin na ang mga paglulunsad ng militar ng West ng mga operasyon sa Iraq at Libya ay nagdudulot ng paglubha ng terorismo sa mga bansang ito at sa iba pang lugar, binigyang-diin ang sinabi niya sa United Nations General Assembly noong Setyembre. (Reuters)