Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ay magtatapyas ito ng 70 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene habang 10 sentimos naman sa gasolina.

Ang bagong oil price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Enero 5,pinangunahan ng Shell at Petron ang pagtataas ng 10 sentimos sa presyo ng gasolina kasabay ng pagtapyas ng 25 sentimos sa diesel at 15 sentimos naman sa kerosene.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, sa kabila ng mababang presyo ng gasolina at diesel sa bansa, iginiit ng mga pasahero na panahon na upang ibaba sa P6.50 hanggang P7.00 ang pasahe sa jeep mula sa kasalukuyang P7.50.

Malimit na reklamo ng mga pasahero sa maraming jeepney driver ang hindi pagsusukli ng 50 sentimos sa ibinabayad na P8 o direktang paniningil ng walong pisong pasahe. (Bella Gamotea)