Inihayag ng pamunuan ng Brooklyn Nets noong nakaraang Lunes (Manila time) na nagdesisyon na silang palitan ang kanilang head coach na si Lionel Hollins at ibinalik ang dating general manager Billy King sa kanilang organisasyon.

“After careful consideration, I’ve concluded that it’s time for a fresh start and a new vision for the direction of the team,” pahayag ni Nets Owner Mikhail Prokhorov.

“It’s clear from our current state of affairs that we need new leadership.”

Nasa ikalawa sa pinakamababang koponan sa kasalukuyan ang Brooklyn Nets sa Eastern Conference hawak ang record na 10-27 (panalo-talo), umangat lamang sila ng bahagya sa Philadelphia 76ers na mayroon namang apat lamang na panalo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kanyang pagsisilbi bilang headcoach ng Nets sa loob ng isa at kalahating season, nakapagtala si Hollins ng regular season record na 48-71 at ginabayan ang koponan sa NBA Playoffs noong isang taon bago tuluyang nawala matapos gapiin ng eventual Eastern Conference finalists Atlanta Hawks sa anim na laban.

Ang ibinalik namang GM na si King ay nasa ikaanim na nitong season sa Nets.

Nakatakda namang mag-takeover ang assistant coach na si Tom Brown para sa nalalabing mga laro pa nila sa kasalukuyang season.