Andrea Torres and Mark Herras_for countdown item copy

UMAPAW ang kasiyahan sa naganap na GMA Countdown to 2016 sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard dahil mahigit 250,000 katao ang dumalo at naki-party kasama ang mga paboritong Kapuso artists. 

Sa pangunguna ng hosts na sina Kris Bernal, Andrea Torres, Betong Sumaya, at Alden Richards, dumalo ang mga Kapuso suot ang kani-kanilang makukulay na costumes.

Live na live din ang kasiyahan sa Davao at Cebu dahil sa pagpunta ng mga Kapuso sa SM Lanang Premier at Marco Polo Plaza Hotel. Gamit ang #kapuso2016 at #kapusocountdownto2016, bumuhos din ang mga pagbati mula sa mga Kapuso abroad — Dubai, Japan, Europe, Canada, at United States.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

 

Una nang nagpakitang-gilas ng kanilang dance moves ang hosts kasama sina Mark Herras, Sef Cadayona, Winwyn Marquez, Mayton Eugenio, at Rocco Nacino. Kasunod nito, todo kilig ang mga manonood dahil sa surprise advance new year greeting ni Maine “Yaya Dub” Mendoza para kay Alden.

 

Ibinirit din ng Asia’s Got Talent finalist na si Gerphil Flores ang kanyang magandang boses gayundin sina Rita Daniela, Hannah Precillas, atMaricris Garcia. Dagdag pa ang mga killer dance moves nina Julian Trono, Ken Johns at ng Rockstars, Starstruck Top 6: Migo Adecer, Klea Pineda, Elyson de Dios, Ayra Mariano, Jay Arcilla, Arra San Agustin, at ang Kapuso love teams nina Gabbi Garcia-Ruru Madrid at Bianca Umali-Miguel Tanfelix.

 

Bukod sa sayawan at kantahan, kinaaliwan din ang mga hirit ng mga komedyanteng sina Nar Cabico, at Jerald Napoles.

 

Bagamat nagluluksa ang lahat sa pagkawala ng isa sa mga haligi ng showbiz industry na si German “Kuya Germs” Moreno ay nagpapasalamat pa rin ang Kapuso Network dahil sa pangunguna niya sa isang ceremonial toast para sa pagsalubong sa Bagong Taon. Kasunod nito, sa kabila ng pag-ulan ay nagawa pa ring haranahin ni Alden ang mga manonood sa kanyang pagkanta ng Wish I May at God Gave Me You. Nagbigay saya din si DJ Ace Ramos sa mga nakisaya kasama ang Tanduay bilang major sponsor ng palabas. Habang naghihintay ang lahat sa pagsapit ng alas dose, ay nagsimula na ang bongga at napakagandang fireworks na hatid ng Kapuso Network at SM SuperMalls.

 

Sa pagpasok ng 2016, abangan ang handog na mga bagong programa ng GMA Network na siguradong pananabikan ng mga manonood.