Tinututukan ngayon ng Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) ang pagbuo ng malakas na mga koponan na isasabak sa iba’t-ibang internasyonal na torneo para sa susunod na tatlong taon base sa inilabas na kalendaryo ng kinaaaniban nitong Asian Volleyball Confederation (AVC).

Ito ang sinabi ni LVPI president Jose Romasanta matapos magbalik sa kinakailangan nitong bakasyon sa Japan.

Ayon kay Romasanta, agad nilang pagtutuunan ng pansin ang pagkausap sa itatalaga nitong national coach na pipili sa miyembro ng bubuuin nitong Team Philippines Under 19.

“We will be choosing first who will be the national coach that will handle the team, and then, that coach will be the one to form his or her team,” sabi ni Romasanta. “I have observed that there are a lot of coaches that can be full time in the job which we are really needed. Iyung iba kasi meron mga team sa UAAP at NCAA,” paliwanag niya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nais ni Romasanta na ituon ang konsentrasyon ng kanilang mapipiling coach sa pambansang koponan gayundin ang mga mapipiling manlalaro upang mas makapagsanay na magkakasama at buong-buo ang konsentrasyon para sa mga pagsasanay at paghahanda para sa lalahukang lokal at internasyonal na mga torneo.

“We are looking at the next three years in putting up the Under 19,” sabi ni Romasanta. “Why, because they can be the team that we could send next year in the 2017 SEA Games in Kuala Lumpur, Malaysia and then dito mismo sa isasagawa sa atin na 2019,” paliwanag pa nito.

Dalawang torneo sa Under 19 ang nakatakdang salihan ng Pilipinas na pinakauna ang 18th Asian Women’s U19 Championship sa Nakhon Ratchasima simula Hulyo 23 – 31 na agad na susundan ng World Women’s Under 19.

Paghahandaan din ng LVPI ang 2017 kung kailan pinakamaraming aktibidad ang isasagawa at kinukunsidera na siyang pinakaabalang taon para sa AVC dahil walong kompetisyon ang isasagawa ng AVC. (Angie Oredo)