BANNER_MIGUEL AT BIANCA copy

PRAMIS ng GMA-7, intriguing and compelling drama ang Wish I May na sisimulan nilang eere sa Enero 18 after Eat Bulaga, kaya ito ang magiging kapalit ng naging paborito nang hustong Half Sisters. Starring Sa Wish I May ang youngest love team ng Kapuso Network na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Sa grand presscon ng newest GMA-7 afternoon primetime show, tinanong namin sina Miguel at Bianca kung sila na ba ang panlaban ng Kapuso Network sa JaDine at KathNiel tandems. Both answered na nagkaton lang daw siguro, at wala sa isip nilang makipag-compete sa kahit anong love team sa showbiz. Basta silang dalawa daw ay happy kapag laging magkasama lalo na nang magkaroon sila ng chance na mag-travel sa Pagudpud.

May saying na constant togetherness develops love... may nabubuo na bang pagmamahalan sa kanilang dalawa?

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

Sabi ni Miguel, wala raw siyang kapatid na babae at ang turing niya kay Bianca ay kapatid na babae lamang.

Owws? Sa ganda ni Bianca, hindi siya attracted and fascinated para dyowain?

“Not yet… ha-ha-ha! Hindi pa right time. Maybe sa tamang panahon, ha-ha-ha!” sagot ng Miguel na at 17 ay tipong binata na ang arrived in flesh and blood, ha! Kasi nga medyo pumayat siya at wala na ‘yung baby boy aura niya.

“We’ll see, in the future. Hindi pa po talaga alam. Not yet there. Pero hindi po namin hinahayaan na maapektuhan kami ng pressure. And basta ang mahalaga po sa amin, masaya kami sa ginagawa namin at nakakapagpasaya kami at the same time,” sey naman ng Bianca.

Dagdag pa ng dalagita, wala pa siyang manliligaw. At wala rin naman palang nililigawan si Miguel. She is 16 and Miguel is 17. One year lang ang kanilang age gap. E, di ayos! Swak if ever na maging sila on and even off camera, in pernesss!

Also in the cast of Wish I May ay the country’s most respected artists in film and television: Camille Prats as Olivia, the mother of Carina who has chimerism; Mark Anthony Fernandez as Clark, the husband of Audrey who is greatly in love with Olivia; Mark Herras as Andrew, the loving foster father of Carina, who is secretly in love with Olivia; Alessandra de Rossi as Loretta, the wife of Andrew who is the total opposite of Olivia; Glydel Mercado as Barbara, the loving mother and confidant of Olivia; Rochelle Pangilinan as Audrey, the possessive and alcoholic ex-girlfriend of Clark; Neil Ryan Sese as Gabriel, a greedy and violent person who will eventually be with Loretta; Juan Rodrigo as Edward, the strict father of Olivia; Marni Lapuz as Doris, the nanny of Andrew; Ash Ortega as Eunice, the arrogant best friend of Carina and the dominating girlfriend of Tristan; Sancho delas Alas as Tope, Tristan’s best friend; Prince Villanueva as Dave, one of Carina’s admirers.

Sa direction nina Neal del Rosario at Mark Sicat dela Cruz ang Wish I May. (MERCY LAJARDE)